^

Bansa

Trike driver nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer, arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa panunutok ng  pellet gun sa  isang traffic enforcer, kalaboso ang isang tricycle driver matapos na madakip at maharang ng mga pulis sa kanyang pagtakas kamakalawa ng  hapon sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Roger Trabajales, ng Tolentino St. Tagaytay City, Cavite na nahaharap sa kasong Grave Threat in relation to R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Jeric Tindugan, nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St. Brgy. Tinajeros si Ramir Maclang, 40, traffic enforcer ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) ng Malabon City nang mamataan nito ang tricycle ni Trabajales na walang nakalagay na sticker ng Malabon.

Sinita ni Maclang si Trabajales subalit  tinutukan ng  baril  ng huli ang una. Sa pag-aakalang  totoong baril ang nakatutuok sa kanya,  umatras sa takot si Maclang na naging daan naman ng suspek upang tumakas.

Mabilis na pinaharurot  ni  Trabajales  ang  minamanehong tricycle subalit hinabol at sinundan siya ni Maclang. Pero pagsapit sa kanto ng Gov. Pascual Avenue at Valdez St. Brgy. Catmon, nakahingi ng tulong si Maclang sa nagpapatrolyang tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at narekober sa kanya ang pellet gun na may magazine.

MALABON POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with