^

Bansa

Aquino '100 pounds lang' bago mamatay, transplant inaantay — dating adviser

James Relativo - Philstar.com
Aquino '100 pounds lang' bago mamatay, transplant inaantay — dating adviser
Former president Benigno ‘Noynoy’ Aquino III delivers a message during the celebration of the 33rd EDSA revolution at the People Power Monument in Quezon City.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Nakikiramay ang ilang mga dating nakatrabaho at kasalukuyang mga opisyal ng gobyerno sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III, na siyang naglingkod bilang ika-15 presidente bago ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong Huwebes nang ibalita ang pagkamatay ni Aquino, na napabalitang nagpa-angioplasty at sumasailalim sa dialysis. Sinasabing meron din siyang diabetes at lung cancer. Gayunpaman, inaantay pa ang pahayag ng kanyang pamilya sa tunay na dahilan ng pagkamatay.

"He was 100 lbs, taking dialysis 3x a week. Waiting for a kidney transplant," wika ng political affairs adviser ni Aquino na si Ronald Llamas sa panayam ng ONE News kanina.

Labis na underweight ang ganyang timbang para sa kanyang tangkad at edad bilang lalaki.

Madalas umubo si Aquino sa kanyang mga talumpati kahit na noong presidente pa siya, dahilan para kumalat noon pa lang ang mga espekulasyon sa estado ng kanyang kalusugan. Sa kanyang 2015 State of the Nation Address, maaalalang pitong beses siyang umubo. Kilalang naninigarilyo si Noynoy.

Taong 2019 nang ma-admit sa Makati Medical Center si Noynoy dahil sa mga hindi pa natitiyak na dahilan. Sinabi ng kanyang tagapagsalitang si Abigail Valte "scheduled check-up
at "routine procedure" lang ito.

Bago pumanaw, chairperson emeritus ng Liberal Party si Aquino. Bagama't "democracy icons" ang kanyang mga magulang, kilalang may mga isyu ng korapsyon kakabit ng unconstitutional Disbursement Acceleration Program ang naturang state leader. Idinidikit din ang pangalan niya sa pagkakaaresto at pagkakamatay ng ilang aktibista sa ilalim ng kanyang Oplan Bayanihan counterinsurgency program.

Samantala, matatandaang napalanunan ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration ang jurisdiction sa West Philippine Sea laban sa Tsina matapos ilaban nina Aquino noong 2016.

Pakikiramay kahit mula karibal sa pulitika

Bagama't magkaribal ang kanilang pamilya, nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Sen. Imee Marcos sa pagkamatay ng dating pangulo.

"My heartfelt condolences to the family of former President Benigno C. Aquino III, a 'classmate' in Congress from 1998 to 2007. I will always treasure the memories of our long years together as freshmen legislators and members of a tiny opposition," wika ni Marcos.

"For beyond politics and much public acrimony, I knew Noynoy as a kind and simple soul. He will be deeply missed."

Maliban sa mga komunista, matatandaang numero unong kritiko ang ama ni Noynoy na si dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Bagama't laging binabantan ang "dilawang" administrasyon ni Aquino, naglaan naman ng ilang segundong katahimikan ang tagapagsalita ni Duterte kanina kaugnay ng pagkamatay ng dating presidente.

"We commiserate po and condole with the family and loved ones of former President Benigno Simeon 'Noynoy' Aquino III, as we extend our condolences on his untimely demise," ani presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.

"We're grateful for the former president for his contribution and services to the country. We ask our people to offer a prayer for the internal repose [of the soul] of the former chief executive. Rest in peace, mister president."

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na kasalukuyang naglilingkod sa ilalim ni Duterte. 

"I beg his sisters to allow me the honor to share their grief. He wasn't fond of me but I could not bring myself not to admire him," ani Locsin.

Matatandaang dating spokesperson ni dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino si Locsin.

"No matter what political side you're on, when a former president passes away, the country mourns," ayon naman kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa ulat ng News5.

Kasalukuyang naka-"half mast" ngayon ang watawat ng Pilipinas sa Senado, Kamara at buong Maynila.

"As the leader of our nation, we knew him as 'PNoy.' He championed good governance reforms that promoted efficiency and reduced opportunities for corruption. The Philippines was cited as the fastest-growing economy in Asia during his administration," ani Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa isang statement.

"PNoy was a pragmatic man who did the best with the cards that life had dealt him. He inspired us with his unexpected humility. May his legacy continue to lead others to the right path."

International community

Maging sa labas ng Pilipinas, ipinagluksa ang pagkamatay ni Noynoy. Ilan na nga sa nagpaabot ng kanilang mensahe ang delegasyon ng European Union sa Pilipinas.

"The EU Delegation and EU family in Manila express their condolences to the Aquino family and the whole nation on the passing of former President Benigno Noynoy Aquino III," ayon sa EU.

"Fond memories of his visit to Brussels in 2014. We mourn a friend who pushed for deepening of our relations."

— may mga ulat mula sa News5 at ONE News

EUROPEAN UNION

FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with