^

Bansa

Kalsada, mga tulay sagot sa mataas na presyo ng pagkain

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Madaling makapasok ang mga sasakyan at maibababa ang mga farm products kung may mga maayos na kalsada at tulay na galing sa mga bukirin.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Eric Yap hinggil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa palengke.

“Mura po ang mga gulay sa Benguet pero dahil nahihirapan si farmer o trader ibaba sa bayan ang produkto, tumataas ang presyo nito pagdating sa merkado,” ani Cong. Yap.

Sa obserbasyon ni Yap sa Benguet, dalawa hanggang tatlong sakay, hindi pa kasama ang pagpapasan ng tao o pagsasakay sa mga cart na hila-hila ng mga kalabaw ang mga gulay bago ito makarating sa merkado o sa Metro Manila.

Pero kung may maayos daw na mga kalsada at tulay, bababa ang presyo ng mga gulay sa Metro Manila na karamihan ay galing sa Cordillera tulad ng mga broccoli, cauliflower, pechay, baguio beans, carrots at iba pa.

“Ito ang pinapaspasan ko na magawa, ang pag­lalagay ng mga sementado at maayos na mga kalsada sa buong Benguet,” pahabol pa ni Yap.

MERKADO

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with