Bentahan ng pampasabog sa mga minahan pinababantayan sa DILG

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na bantayan ang bentahan ng pampasabog sa mga minahan upang matiyak na hindi mapupunta sa kamay ng mga terorista.

Pinagdududahan kasi ng Pangulo kung saan nakakukuha ang komunis­tang rebelde ng mga pampasabog para sa landmine na karaniwang ginagamit laban sa mga sundalo.

Nais ng Pangulo na malaman ng pulisya kung sino ang mga bumibili ng pampasabog sa mga minahan at gaano kadami ang binibili ng mga ito.

Pinatitiyak din ni Du­terte kay Año na hindi magagamit laban sa gob-yerno lalo na sa mga sundalo ang mga pampasabog.

Dapat aniyang kumuha muna ng clearance ang mga mining company sa DILG bago makabili ng dinamita.

Sa ganitong paraan, mamo-monitor ng pamahalaan ang mga pampa­sabog na ginagamit ng mga rebelde.

Sinabi rin ni Duterte na paikut-ikot na lamang ang istorya tungkol sa mga pampasabog ng mga komunista at gustuhin man ng gobyerno na maglagay din ng mga landmine ay hindi naman maaari dahil labag ito sa Geneva convention.

Show comments