Cashless toll ‘wag muna
MANILA, Philippines — Hiniling ni House Committee on Transportation vice chairperson Edgar Sarmiento sa Department of Transportation na iurong ang pagpapatupad ng cashless toll payment system.
Ayon kay Sarmiento, sumulat na siya kay DOTr Secretary Arturo Tugade na iurong ang implementasyon ng cashless toll payment system dahil marami pang dapat ayusin at gawin.
“Ibig sabihin bubuksan pa rin ang cash lane kaya lang pakonti-konti na. Yun ang gusto natin na transition period,” ani Sarmiento.
Aniya, nakausap niya si San Miguel Corporation President Ramon Ang, ang concessionaire ng South Luzon Expressway, at payag ito na iurong ang implementasyon sa Pebrero 2021.
Dagdag pa ni Sarmiento na sa 6.1 milyong sasakyan sa Metro Manila, Region III, at Calabarzon, tatlong milyon pa lang ang mayroong RFID.
Tinataya ng Committee on Transportation na aabutin ng isang taon at kalahati bago mabigyan ng RFID stickers ang lahat ng sasakyan.
Ayon kay MMDA Special Operations Commander Col. Bong Nebrija, isa umano sa dahilan ng nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa pangunahing kalsada ang mga pila sa mga RFID installation.
- Latest