^

Bansa

98 solons, staff ng House positibo sa COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
98 solons, staff ng House positibo sa COVID-19
Sa isang press release na ipinalabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara, ang mga ito ay base sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing sa mga kongresista at empleyado, pero hindi nito idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Matapos kalampagin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa kanilang late reporting ng kaso ng COVID-19 ay umamin ang House of Representatives na mayroon itong 98 confirmed cases mula pa noong Nobyembre 10.

Sa isang press release na ipinalabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara, ang mga ito ay base sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing sa mga kongresista at empleyado, pero hindi nito idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas.

Ang 98 kaso ay hindi naka-report sa QC-CESU na paglabag umano sa itinatakdang 24 oras na reporting ng mga kaso ng COVID kaya aminado ang virus surveillance unit ng lungsod na mahihirapan na sila ngayon sa gaga­wing contact tracing lalo na at lumipas na ang 20 araw.

Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, tanging 40 cases lamang ang kanilang nasa listahan na pawang nag-self-reporting. Ang mga nai-report na kaso na ito ang dahilan kung bakit nila kinalampag at hinihingan ng report ang Kamara dahil wala itong isinusumite sa tanggapan.

Aniya, kanila na ring iimbestigahan kung saan at paano nakuha ng 98 ang virus, kung sa Kamara o sa ibang lugar at kung may batayan para ipasara pansamantala ang tanggapan.

Magsusumite sila ng report sa Department of Health ukol sa kanilang magiging findings sa dahilan ng late reporting ng Kamara.

Ang 98 confirmed ca­ses ay hiwalay pa sa nauna nang 80 COVID cases na naitala simula Marso 2020 kung saan 2 mambabatas at 3 empleyado ang nasawi.

Isinisi naman ng mga kawani ng Kamara ang paglobo ng mga kaso ng COVID sa hindi istriktong pagsunod sa quarantine protocol ng mga House Leaders.

Tinukoy ng mga ito sina Speaker Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag umano sa quarantine protocol nang patuloy pa ring pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.

Minaliit din ng mga kawani ang ginawang mass testing dahil maliit na porsiyento lamang ito. Nasa 8,000 umano ang kawani ng Kamara ngunit 2,000 lang ang isinailalim sa pagsusuri.

Tiniyak naman ni Mendoza na patuloy silang makikipag-kooperasyon sa mahigpit na health at safety protocols matapos na matuklasan ang mga positibong kaso si­mula nang mangyari ang pandemya.

Sinabi rin niya na halos lahat ng mga positibong kaso ng COVID sa Kamara ay mga asymptomatic.

CESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with