DTI, DA kinalampag sa nagtaasang presyo sa palengke
MANILA, Philippines — Kinalampag ni Sen. Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na wala raw magawa sa nagtaasang presyo sa mga palengke kahit idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong Luzon dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.
“Puro matatamis na salita lang ang napapala natin mula sa DA at DTI. Walang natutupad na price control,” ani Marcos.
Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na mas malaki pa ang puhunan ng mga tindera kesa sa mga suggested retail price o SRP na pinataw ng gobyerno, kaya mas mataas ang presyuhan sa mga palengke.
Giniit ng mga tindera na nagmahal ang presyo ng mga bilihin dahil sa kapos na supply ng mga produkto mula sa mga lalawigan dulot ng pinsala ng bagyo sa agrikultura gayong mataas ang demand o pangangailangan ng publiko.
Mataas din ang mark-up cost ng mga middlemen o mga gumigitna sa pagbili ng mga gulay sa mga farmers.
- Latest