^

Bansa

House probe sa ‘paglubog’ ng Cagayan, Isabela malamya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
House probe sa ‘paglubog’ ng Cagayan, Isabela malamya
Ayon sa peasant group na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), malamya, walang tapang at tiyak na walang mapapanagot ang nagi-ging takbo ng ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela dahil nakatuon lamang ito sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dams at walang pag-iimbestiga sa illegal mining at illegal logging.
AFP/Philippine Coast Guard/Handout

MANILA, Philippines — Posibleng mauwi lang sa moro-moro ang isinasagawang imbestigasyon ng Kamara sa malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela noong kasagsagan ng bagyong Ulysses kung hindi isasama ang isyu ng black sand mi-ning, legal at illegal logging operations sa Cagayan Valley Region.

Ayon sa peasant group na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), malamya, walang tapang at tiyak na walang mapapanagot ang nagi-ging takbo ng ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela dahil nakatuon lamang ito sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dams at walang pag-iimbestiga sa illegal mining at illegal logging.

Ang pahayag ng   grupo ay bilang reaksyon sa pahayag ni House Speaker Lord Allan Velas­co na climate change at ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang sanhi ng massive flood sa Cagayan at Isabela kaya ang kanilang rerebyuhin ay ang dam protocols para di na maulit ang nangya-ring pagbaha.

Subalit pinabulaanan ito ni National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya.

Aniya, hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat dam ang ugat ng matin-ding pagbaha sa Cagayan at Isabela kundi ang ma-lawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.

Ayon kay KMP President Danilo Ramos, ang mahalagang dapat na imbestigahan ng Kamara ay ang logging sa mga bundok ng Cagayan at Isabela at ang mapanirang mining na sanhi ng pagbaha.

Aniya, “welcome deve­lopment” sa kanila ang House Inquiry ngunit nakalu­lungkot na hindi naman nito kayang banggain ang mga malala-king contractor at malala-king tao na nasa likod ng illegal mining at logging.

Minaliit din ng KMP ang naging pahayag nina Isabela Governor Rodito Albano at Vice Gov. Fa­ustino Dy III na wala nang mining operations at illegal logging sa lala­wigan. Anila, mismong mga residente ang makapagpapatunay na talamak pa rin ang ganitong iligal na aktibidad at hindi pa rin ito nagbago.

KMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with