Magnitude 6 na lindol naitala bandang Surigao del Sur; pinsala inaasahan

Satellite image ng San Agustin, Surigao del Sur mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Pinsala ang inaasahan ngayon ng state volcanologists matapos yugyugin ng malakas na paglindol ang ilang lugar sa Kabisayaan at Bicol, Lunes.

Bandang 6:37 a.m. nang ugain nito ang epicenter na San Agustin, Surigao del Sur, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong umaga.

Sinasabing "tectonic" ang pinagmulan ng pagyanig: "Tectonic earthquakes are produced by sudden movement along faults and plate boundaries," paliwanag ng Phivolcs.

Naranasan ang mga sumusunod na intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V:

  • City of Bislig, Surigao del Sur
  • Rosario, Agusan del Sur

Intensity IV:

  • Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur

Intensity III:

  • Cagayan de Oro City
  • Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental

Intensity II:

  • El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental
  • Virac, Catanduanes

Intensity I - Iligan City

Basahin: 'Magnitude' at 'intensity' ng lindol, ano ang pinag-iba?

Inaasahan ang mga pinasala at aftershocks mula sa nasabing lindol na umabot hanggang intensity V.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang tsunami — o biglaang pagragasa ng tubig mula sa mga dagat patungong pangpang mula sa lindol — dulot ng insidente.

"A strong earthquake with a preliminary magnitude of 6.0 occurred in Offshore Surigao Del Sur, Philippines on 16 November 2020 at 06:37 AM (Philippine Standard Time) located at 08.64 oN, 126.47oE with depth of 33 km. No destructive tsunami threat exists based on available data."

Show comments