^

Bansa

Bagyong 'Pepito' maaaring sumalpok sa Northern, Central Luzon bukas

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Bagyong 'Pepito' maaaring sumalpok sa Northern, Central Luzon bukas
Litrato ng Tropical Depression Pepito 820 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, 4:00 a.m. nang madaling araw
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Nagbabadyang tumama sa kalupaan ang bagyong "Pepito" sa mga susunod na araw matapos lumakas mula sa pagiging dating low pressure area (LPA), Lunes.

Ganap na naging tropical depression ang nasabing LPA alas dos kaninang madaling araw, at tinatayang tatama sa Hilagang Luzon o Gitnang Luzon sa pagitan ng Martes nang gabi hanggang Miyerkules nang umaga.

Posible rin itong maging mahinang tropical storm oras na mag-landfall sa kalupaan sa loob ng 36 oras.

"Matapos tumawid sa kalupaan ng Luzon, maaaring lumakas pa si 'Pepito' pagdating sa West Philippine Sea at posibleng maging severe tropical storm sa Biyernes," ayon sa sa PAGASA sa Inggles.

Natagpuan ang mata ng bagyo 820 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, 4 a.m. nang madaling araw. 

May dala itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may bugsong papalo ng hanggang 55 kilometro kada oras.

Kasalukuyang kumikilos ang Tropical Depression Pepito pa-kanluran hilagakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Bagama't wala pang itinataas na tropical cyclone wind signal, napalakas nang bahagya ng bagong "Pepito" ang northeasterly surface windflow at maaaring magdala ng malakas hanggang near-gale force winds na may paminsan-minsang pagbugso sa:

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • baybayin ng mabubundok na lugar ng northern Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern Samar

"Ngayong araw,magkakaroon ng mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa @Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsuyla, Bangsamoro, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, Sultan Kudarat, South Cotabato at Saranggani," dagdag ng PAGASA.

"Maaaring mangyari ang mga pagbaha (kasama ang flashfloods) at pagguho ng lupa kapag may malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan lalo na yaong mga highly o very highly susceptibvle sa hazards na ito."

PAGASA

PEPITO

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with