MANILA, Philippines — Makaraang hindi payagan ng Kongreso ang renewal sa prangkisa ng ABS-CBN, umapela si ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglaan ng cash aid at job-matching assistance sa mahigit 11,000 ABS-CBN employees na naapektuhan.
Ayon kay Tulfo, ‘moral obligation’ ng DOLE na bigyang ayuda at trabaho ang mga apektadong empleyado lalo pa’t may kinakaharap na COVID-19 pandemic ang bansa.
Aniya, marami nang nagsarang kumpanya kaya’t lalong mahihirapang maghanap ng trabaho ang mga taga-ABS-CBN lalo pa yung mga may edad na.
Sa katunayan aniya, ipinapanukala niyang isali ang mga displaced ABS-CBN workers sa kasalukuyang ipinaiiral na one-time cash assistance ng DOLE.
Paliwanag ni Tulfo, hindi dapat na maging hamon sa DOLE ang P5,000 cash aid sa mga empleyado dahil mayroong $7.8 bilyong loans and bonds ang Department of Finance.