^

Bansa

Sensitibong info puwedeng manakaw sa FaceApp - NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sensitibong info puwedeng manakaw sa FaceApp - NBI
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, puwedeng ma-access ng mga cyber criminals kung ang user ay may mga sensitibong lara­wan, maaaring makuha ang mga impormasyon sa pera, at maging lokasyon.
AFP/Kirill Kudryavtsev

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa mga Filipino na nahuhumaling ngayon sa paggamit ng FaceApp na maaaring manakaw ang kanilang mga sensitibong impormasyon at magamit sa mga ilegal na gawain.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, puwedeng ma-access ng mga cyber criminals kung ang user ay may mga sensitibong lara­wan, maaaring makuha ang mga impormasyon sa pera, at maging lokasyon.

“Danger dun ay kapag may sensitive photos ka, may access na sila don. Kapag naka-enable ang GPS mo, makukuha nila locations mo. Kung business may purpose, laging may purpose ’yan,” aniya.

“Pwede nila gamitin for advertising. Pwede rin sa espionage. Halimbawa may targeted politician o individual ka, pwedeng pag-aralan ang movement nila.”

Dagdag pa ni Loren­zo, hindi sapat ang pag-uninstall lamang sa application upang protektahan ang impormasyon.

“May analytics at ang artificial intelligence ngayon napaka-advance na. Kapag inuninstall mo, mawawala ’yung access sila, pero lahat ng photos mo andun na ’yun lahat ng photos makukuha,” aniya.

Wala pang nakukuhang reklamo ang NBI tungkol sa aplikasyon, ngunit inabisuhan nito ang mga user na mag-ingat kapag gumagamit ng mga ganitong app.

Dati nang sumikat ang naturang application noong nakaraang taon ngunit muling nahalina ngayon ang mga netizen lalo na ang mga lalaki na nagagawang makita ang hitsura nila kung sila’y naging babae.

FACEAPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with