^

Bansa

'Provincial buses' bawal pa rin sa Metro Manila kahit GCQ na

James Relativo - Philstar.com
'Provincial buses' bawal pa rin sa Metro Manila kahit GCQ na
Sa larawang ito na kuha noong Marso 13, may mga pasahero na nagpunta na sa mga bus terminal sa Quezon City upang makauwi sa kani-kanilang probinsya matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi pa rin papayagang maglabas-masok sa National Capital Region (NCR) ang mga provincial buses oras na ipatupad ang general community quarantine sa Kamaynilaan pagpasok ng Hunyo.

'Yan ang iklinaro ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang inilabas na guidelines, na sasaklawin ang ika-1 hanggang ika-30 ng Hunyo.

 

 

'Yan din ang ipinaliwanag ni Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panayayam ng dzBB, Biyernes. 

"Sa phase 1, which is from June 1 to June 21, no provincial buses po would be allowed to enter Metro Manila... For phase 2 naman sir... to be announced po,"  ani Pialago.

Narito ang mga maaaring masakyang pubic transportation sa ilalim ng Metro Manila GCQ:

Phase 1 (ika-1 hanggang ika-21 ng Hunyo)

  • tren (MRT, LRT at PNR); bus augmentation
  • taxi; transport network vehicle services (TNVS)
  • shuttle services; point-to-point (P2P) services
  • bisikleta
  • tricycle (dapat maaprubahan muna ng lokal na gobyerno)

Phase 2 (ika-22 hanggang 30 ng Hunyo)

  • public utility buses
  • modern public utility vehicles (PUVs)
  • UV Express

"To effectively ensure and monitor the limited capacity and passenger load of all the public transport vehicles, the 1-meter social distance rule between persons will be strictly enforced inside ALL the PUVs and mass transport units, in adherence to health protocols," sabi ng DOTr.

Para sa mga tren, 10-12% capacity lang ang maaaring payagang sumakay. Gayunpaman, sinabi ng Light Rail Manila Corporation, na nagpapatakbo sa LRT-1, na mahigit-kumulang 200 pasahero ang kanilang pasasakayin mula sa dating 1,000.

Narito ang mga ipatutupad na hygiene measures na ipatutupad sa mga sasakyan:

 

 

Bago magsimula ang halos dalawang buwang enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ, marami kasi ang nagsiuwian ng probinsya kahit na nagtratrabaho sa Metro Manila.

Maaari ring lumabas ng bahay sa pamamagitan ng mga pribadong kotse at motorsiklo, patungo sa mga trabaho o kung lalabas para sa mga "essential travels."

Augmentation buses

Sa unang yugto na itinakda ng DOTr, magtatalaga muna ng "augmentation buses" upang humalili sa limitadong pwedeng pasakayin ng mga tren.

"At ang ruta po na susundin ay 'yung MRT line. So 'yung kahabaan po ng mga major thoroughfares 'yan. Particularly po EDSA," ani Pialago.

Nasa 300 ang itatalagang augmentation buses pagpasok ng Phase 1. Aniya, maglalaan ng dalawang lane sa kaliwang bahagi ng kalsada, at maaari lang sumakay at bumaba sa mga istasyon ng MRT.

Sa ilalim kasi ng bawat MRT station, merong mga hagdan na pwedeng daanan. Dahil dito, hindi na bababa at sasakay ang komyuter sa kanan ng kalsada.

"'Yung mga center island po doon [sa EDSA] ay ginigiba... Kasi sir, pagpasok po ng GCQ, yung mga buses po ready for bus augmentation ay mapupunta po sa kaliwa na dati pong sa kanan," dagdag ni Pialago.

Maglalaan naman ng tatlong lane sa EDSA para sa mga pribadong sasakyan, na inaasahan nilang dadami pagsapit ng GCQ.

Batay sa datos ng MMDA traffic engineers, narito ang bilang ng private vehicles na nagsilabasan habang nasa lockdown:

  • ECQ — mababa pa sa 5% lang sasakayan ang umabas
  • MECQ — 30-40% ang dumaan sa kahabaan ng EDSA at iba pang major thoroughfares 

"Ngayon pong papasok ang GCQ, eh sigurado po na aakyat ito ng hanggang 50% ng mga pribadong sasakyan," sabi pa ng MMDA official.

CELINE PIALAGO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

METROPOLITAN DEVELOPMENT AUTHORITY

PROVINCIAL BUSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with