Pagdura sa pampublikong lugar ipagbabawal

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID- 19 sa bansa, isinusulong ni Sen. Manny Pacquiao na ipagbawal ang pagdura sa mga pampublikong lugar.

Sa Senate Bill 1406 o ang “Anti-Spitting Act of 2020”, ang sinumang indibidwal na intensyong dumura ng laway, plema o mucus sa pampublikong lugar ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P50,000.

Base umano sa pag-aaral, ang bagong strand ng coronavirus na nagmula sa Wuhan, China ay maaaring masalin sa iba sa pamamagitan ng fluid sa katawan ng tao.

Paliwanag ni Pacquiao, dahil sa bigat ng sitwasyon dulot ng pagkalat ng nasabing virus kaya dapat na agad magpatupad ng preventive measure para mapigilan ang pagkalat nito na na­ging global health emergency na.

Hindi lamang umano ito pagpigil sa pagkalat ng coronavirus kundi maging ng iba pang nakakahawa at airborne disease.

Bukod sa multa, maaari rin silang makulong. 

Show comments