Operasyon ng ABS-CBN tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC
MANILA, Philippines — Tiniyak ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate pa rin ang ABS-CBN kahit mapaso na ang prangkisa nito sa darating na Mayo 4.
Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, na mabibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para magtuluy-tuloy ang operasyon ng higanteng television network habang dinidinig pa sa Kamara ang prangkisa nito.
Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, nagbigay ng ground rules ang NTC sa pagdinig ng 11 franchise bills ng ABS-CBN.
Ayon kay Cordoba, susunod sila sa abiso ng Department of Justice na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.
“The NTC will follow the latest advice of the DOJ and let ABS-CBN continue operations based on equity. We will likely issue a provisional authority to the broadcast company” ayon kay Cordoba.
Samantala, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang pagtalakay at pag-aksyon sa petisyon para sa quo warranto laban sa ABS-CBN na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.
Sa halip, itinakda ng korte ang pagtalakay dito sa kanilang summer session sa Baguio City sa Abril 14.
- Latest