MANILA, Philippines — Nananatiling novel coronavirus free ang Pilipinas, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat may tatlong una ng naiulat na tinamaan ng COVID-19, ito naman aniya’y hindi na maaaring maibilang pa sa existing list ng mga kinapitan ng sakit.
Aniya, isa kasi sa tatlong naitalang kaso ay namatay na habang ang dalawa ay nagawa namang makarekober at sa katunayan ay nakalabas na ng pagamutan.
Sa harap nito’y tiniyak ni Panelo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang hindi na kumalat pa ang kinatatakutang karamdaman.
Lahat aniya ng kailangang health security protocol ay ginagawa ng mga otoridad upang masigurong mapangangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan.