^

Bansa

Mga nagpabaya sa kaso ng pinatay na OFW sa Kuwait kakasuhan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Takdang ihain ni Ang Probinsiyano partylist Rep. Ronnie Ong sa House of Representatives ang isang resolusyon para kasuhan ng administratibo at kriminal ang operators ng recruitment agencies at mga responsableng opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na nagpabaya at mabagal sa pagkilos sa reklamo ng mga nagigipit na OFW na tulad ni Jeanelyn Villavende na pinatay ng amo nito sa Kuwait.

Sinabi ni Ong na naiwasan sana ang pagkamatay ni Villavende bago mag-Bagong Taon kung may sistema ang pamahalaan para agad na tingnan ang ulat ng mga distressed OFWs lalo na kung nasa bingit na ng kamatayan.

Paliwanag ni Ong, base sa ulat, nakahingi pa ng tulong si Villavende subalit walang sino mang responsableng ahensiya ng gobyerno ang tumanggap at mabilis na nagresponde para ma-rescue o maberipika ang sitwasyon ng biktima.

Nagtataka rin siya kung bakit sa kabila ng presensya ng recruitment agency, Philippine Overseas Employment Administration, Philippine Embassy, Filipino center at Overseas Workers Welfare Administration, wala silang mabilis na mekanismo para tingnan ang mga reklamong natatanggap buhat sa mga OFWs tulad ni Villavende.

Kinuwestyon din ni Ong ang umiiral ngayong set-up kung saan ang recruitment agencies ay kailangang magsumite ng report sa POEA sakaling mayroong insidente na sangkot ang OFWs sa loob ng limang araw.

vuukle comment

JEANELYN VILLAVENDE

RONNIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with