Klima sa Baguio bumagsak sa 11.4°C
BAGUIO, Philippines — Bumagsak kahapon sa 11.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City na maituturing na pinakamababang temperatura sa lunsod mula Setyembre 2019.
Sinasabing ang malamig na hangin na dulot ng amihan ang ugat ng sobrang lamig na panahon sa Baguio.
Umabot naman sa 7 degrees Celsius ang temperatura kahapon sa Atok, Benguet.
Bunga nito, pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente doon laluna ang mga turista na magsuot ng panlamig upang makaiwas sa sakit tulad ng sipon at ubo gayundin ang pamamaknat ng balat dahil sa sobrang lamig.
Ang amihan ay magtatagal sa ating bansa hanggang Pebrero ngayong taon.
- Latest