Drilon sinopla ni Cayetano sa Build, Build, Build
MANILA, Philippines – Niloloko lamang umano ni Sen. Franklin Drilon ang publiko dahil sa puna nito na bigo ang Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.
Sa interview kay House Speaker Alan Peter Cayetano, sinabi nito na kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon, hindi hamak na mas maraming nagawa ang kasalukuyang gobyerno sa ilalim ng programang Build, Build, Build nito.
Isa umano rito ang 36 kilometrong subway project na siyang pinakaunang mass underground transport system sa Pilipinas na magkokonekta ng North Caloocan, Bulacan at Dasmariñas, Cavite sa National Capital Region.
Bukod dito tinukoy din ni Cayetano ang sitwasyon sa pampubliko at pribadong sektor kung saan kulang na umano ang nakukuhang mga empleyado.
Hindi naman umano matatapos ng overnight lamang ang nasabing mga proyekto kaya ito ang nakikita niyang problema.
Subalit tiyak umano na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022 ay makikita na ng publiko ang resulta ng Build Build, Build program ng administrasyon.
- Latest