^

Bansa

US senators i-ban din sa Pinas!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Buwelta nina Sotto at Go

MANILA, Philippines — Balak din nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na i-ban sa Pilipinas ang mga US senators na nagsulong na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga Philippine officials na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni Sotto na pakialamero ang mga US senators at posibleng hindi maging maganda ang kanilang mararamdaman kung ipapa-ban din ang mga maghahain ng resolusyon para ma-impeach si US Pres. Do­nald Trump.

“Ano kaya pakiramdam ng senador na ‘yun kung mayroon mag-file ng resolution dito na sabihin na huwag papasukin sa Pilipinas lahat ng mag-iimpeach kay Trump? Ano kaya sasabihin nun? Pakialamero eh,” sabi ni Sotto.       

Nilinaw ni Sotto na hindi siya pabor o kontra kay de Lima pero ino­sente ito hangga’t hindi nahahatulan.

Sinabi naman ni Go na imumungkahi niya kay Pangulong Duterte na i-ban din sa Pilipinas ang mga US senators na nagsulong ng panukala na yumuyurak sa sobe­renya ng bansa.

Sina US Senators Patrick Leahy at Dick Durbin ang nagsulong na i-ban sa Amerika ang mga nagpakulong kay de Lima. 

Maging si Sen. Richard Gordon ay naniniwala na isang pakikialam sa gobyerno ng Pilipinas ang isinulong na panukala sa US Senate.

US SENATORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with