Camp Emilio Aguinaldo ng AFP papalitan ng Camp General Luna
MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang pagpapalit ng pangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) headquarters na Camp General Emilio Aguinaldo sa General Antonio Luna.
Ang hakbang ni Pimentel ay bilang pagbibigay karangalan kay Antonio Luna.
Sa House Bill 4047 ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, layon nito na amyendahan ang Republic Act 4434 o ang 1965 na batas na nagpapalit ng pangalang Camp Frank Murphy sa Camp General Emilio Aguinaldo.
Inihain ang panukala noong Agosto 20 subalit inilabas lang ito sa gabi ng paggunita ng National Heroes day.
Sa ilalim ng panukala, si Luna ay inilarawan ng mga historian bilang pinakamagaling at may kakayahang Filipino general noong Philippine-American war.
Si Luna ang noon ay Chief of staff ng Philippine Revolutionary Army ng 134 araw habang nasa kasagsagan ng giyera hanggang sa brutal siyang patayin noong Hunyo 5,1899 sa edad na 32.
Dahil dito kaya nararapat umanong bigyan ng pagkilala si Luna dahil sa pagiging makabayan niya.
- Latest