Carpio tinanggihan ang CJ post

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang awtomatikong nominasyon bilang chief justice.

“I am declining because there are only 8 days left from the vacancy to my compulsory retirement,” ani Carpio.

Isa si Carpio sa pinakamatagal na nagserbisyo bilang Supreme Court justice at nagpalakas din ng adbokasiya sa Philippines’ territorial claims ng South China Sea. 

Nabatid na tinanggihan din ni SC Associate Justice Mario Victor Leonen ang nomination sa top post. 

Nakatakda naman hanggang Martes ang aplikasyon at pagtanggap ng nominasyon ng pwesto.

Posibleng pumalit kay Bersamin sina Carpio,  Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe, Leonen at Francis Jardeleza.

Magreretiro sa Setyembre 26 si Jardeleza.

 

Show comments