^

Bansa

Bill sa OFW hospital isinampa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bill sa OFW hospital isinampa

MANILA, Philippines —  Isinampang muli sa Kamara ang panukala sa paglikha ng isang eksklusibong ospital para sa mga overseas Filipino worker.

Nakasaad sa House Bill 0440 ni Cavite Rep. Strike Revilla ang pagtatatag ng isang tertiary-level na ospital para sa mga OFW at kanilang pamilya.

“Malaki ang ambag sa ating ekonomiya ng mga remittances ng mga OFW. Hindi maaaring bale­walain ang kanilang mahalagang papel. Dahil dito, bukod sa kanilang mga kasanayan at karanasan, mahalagang maging malusog sila. Ang mahabang oras ng trabaho kasabay ng emotional stress ay bumubuhay ng peligro sa kahinaan at pagkakasakit,” paliwanag ng mambabatas.

Sinabi ni Revilla na ang kanyang panukalang-batas ay naglalayong magpatayo ng may kalidad pero murang ospital na magbibigay ng comprehensive at total health care services sa lahat ng mga migranteng manggagawa kabilang ang mga contributor sa Overseas Workers Welfare Administration, aktibo man o hindi at sa kanilang mga legal dependent at magsagawa ng medical examination para matiyak ang physical at mental capability ng magiging overseas contract worker na saklaw ng aprubadong job order.

Sa ilalim ng HB 0440, ang ospital ay pangangasiwaan ng OWWA sa ilalim ng full technical supervision ng Department of Health.

OVERSEAS FILIPINO WORKER

STRIKE REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with