^

Bansa

Duterte vineto ang 'End of Endo Bill'

James Relativo - Philstar.com
Duterte vineto ang 'End of Endo Bill'
Kinumpirma ng Palasyo ang desisyon ni presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong araw, ayon sa ulat ng News5.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines (Updated 2:07 p.m.) — Tuluyan nang hinarangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasa ng "Security of Tenure and End of Endo Act of 2018."

Kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang desisyon ng Palasyo ngayong araw.

"Sobra-sobra ang pagpapalawig ng panukala sa pakahulugan ng pinagbabawalang labor-only contracting, na sa huli at nagbabawal ng mga kontraktwalisasyon na maaaring hindi naman ikakaargabyado ng mga empleyado," sabi ni Duterte sa kanyang veto message sa wikang Ingles.

Kahit na dapat ipagbawal ang labor-only contracting, dapat pa rin daw payagan ang lehitimong job-contracting basta't malaki ang kapital nito.

"Dapat hayaan ang mga negosyong itakda kung kukuha sila ng manggagawa mula sa ibang lugar para sa ilang aktibidad, lalo na kung magreresulta ito sa mas episyenteng operasyon at ekonomiya, nang hindi nakaaargabyado sa trabahante, kahit na may kaugnayan ito sa kanilang negosyo," idinagdag ni Duterte.

'Yan ay kahit na ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment Department Order 18-02 (Series of 2002) ang pag-outsource ng mga manggagawa para gumawa ng mga trabahong may direktang kaugnayan sa negosyo ng principal (employer).

Layon ng panukala na magpataw ng P5 milyong multa sa mga magpapatupad ng labor-only contracting, ngunit pinapayagan ang job contracting.

Klinaklasipika rin nito sa apat ang mga manggagawa: regular, probationary, project at seasonal.

Iniuutos ng panukala na bigyan ng parehong karapatan ng mga regular na manggagawa ang mga project at seasonal na trabahante sa panahong tumatakbo pa ang kanilang proyekto sa employer.

Una nang sinabi ni Panelo na na-veto ito kagabi ngunit agad din itong binawi.

Matatandaang sinabi ni Panelo kahapon na makikinig siya sa mga business groups at National Economic and Development Authority tungkol sa mga agam-agam nila sa panukala.

'Malabnaw na nga na-veto pa'

Samantala, sinabi naman ng ilang sektor na sinasalamin lang ng kanyang pag-veto ang pagtalikod ni Duterte sa mga obrero.

Isa na naman daw kasing campaign promise ni Digong ang isyung ito na hindi tinupad.

"Malabnaw na version na nga lang ng SOT bill ang pinapipirmahan sa kanya ay vineto pa nya ito dahil mas mahalaga sa kanya ang mga kapitalista kesa sa mga naghihirap na mga mangagagawa," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa isang pahayag.

Ayon naman sa katuwang niya na si Rep. Ferdinand Gaite, makikita raw sa mensahe ng pangulo kung paano niya binawi ang dating pangako na ibabasura ang kontraktwalisasyon.

"Instead, he devotes two and half paragraphs in explaining wrongly why labor or job contracting, obviously a form of contractualization,  is necessary," ani Gaite.

Aniya, hindi ito ang dahilan kung bakit tinututulan ito ng mga manggagawa ngunit dahil pinapayagan nito ang kapital na magtakda ng relasyunan sa trabaho.

Kahit kritikal sila sa bill, hindi naman daw sila tutol sa pagbibigay ng kapanatagan sa trabaho.

"Tinututulan ni Duterte ang panukala sa ibang dahilan, at 'yan ang pagtatanggol sa interes ng kapital," kanyang panapos.

ENDO

LABOR CONTRACTUALIZATION

LABOR RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

SECURITY OF TENURE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with