MANILA, Philippines — Papayagan nang maging miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ito ay kung makukumpleto nila lahat ng requirements na itinakda ng National Police Commission (Napolcom).
Napagkasunduan sa ginanap na pulong sa pagitan nina DILG Sec. Eduardo M. Año, BangsamoroTransition Authority (BTA) Interim Chief Minister Ahod B. Ebrahim at Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez Jr. na babalewalain ng gobyerno kung ano man ang edad at height requirement ng mga aplikante ng MILF at MNLF.
Nilinaw naman ni Major General Jonas Calleja, PNP Director for Plans, na edad at height lang ang maaaring ma-waive at ang educational attainment ay hindi.
Subalit sa ilalim ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), ang age, height at educational requirements ng dating ex-fighters ay maaaring i-waived ng Napolcom.