^

Bansa

Comelec execs na nagpabaya sa trabaho pinakakastigo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasong administratibo ang isinampa ng Mata Sa Balota Movement at kasamang NGO’s sa Tanggapan ng Ombudsman laban sa mga ‘non-impeachable’ officials at tauhan ng Commission on Election (Comelec)  bunsod ng hindi umano pagpapatupad ng pinakamahalagang bahagi ng Automated Election System (AES) Law na nagdulot ng kaliwa’t kanang ulat ng kapalpakan ng mga makina at proseso nang katatapos na May 13 National at Local Election.

Kinasuhan ng Serious Dishonesty si Comelec Executive Director Jose Marundan Tolentino habang Gross Neglect of Duty sina Deputy Teopisto E. Elnas Jr. at Comelec spokesperson James Arthur B. Jimenez. Kasama din sa kaso ang buong Smartmatic Information Management at mga operators nito. Hindi rin pinaligtas ng grupo si dating Comelec chairman Juan Andres Donato Bautista dahil sa kawalan umano ng intensyong ipatupad ang mga nakasaad sa Omnibus Election Code.

Ayon kay Dr. Mike Aragon, spokesperson ng Mata sa Balota Movement, sa pagbubukas ng bagong kapulungan ng Kongreso sa Hulyo ay asahan ang pagsasampa nila ng Impeachment Complaint laban sa mga Comelec commissioners. 

Nananawagan din si Dr. Aragon kay Pangulong Duterte na pagtuunan ang mga iregularidad ng pro­seso ng halalan at paglabag sa batas ng Comelec lalo’t nalalapit na ang Pampanguluhang halalan.

AUTOMATED ELECTION SYSTEM

COMMISSION ON ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with