MANILA, Philippines — Handang tumulong ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa isyu ng umano’y narco politics sa lungsod ng Taguig.
Ayon kay VACC spokesperson Boy Evangelista, kung mayroong mga ebidensya ang reklamo ng grupong Hukbong Laban sa Katiwalian (HLK) ay ia-assess at pag-aaralan ito ng kanilang legal team sa pamumuno ni Atty. Ferdinand Topacio at kung may basehan ang reklamo ay handa silang tumulong para mapalakas ang kaso.
Una na ring sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang sisilipin ang narco politics sa Taguig matapos tukuyin ang mga naarestong suspek sa drug case na kaanak umano ng tumatakbong mayoral candidate sa lungsod.
Una nang naghain ng graft case sa Office of the Ombudsman ang HLK laban sa isang mayoralty candidate sa Taguig, bunsod ng umano’y magarbong lifestyle nito.