^

Bansa

'Destabilizer?' Ipis gumapang kay Duterte habang nagtatalumpati

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Viral sa social media ang panibagong pag-atake sa pangulo ng Republika ng Pilipinas habang nagtatalumpati sa probinsya ng Bohol, Miyerkules ng gabi.

Pero ang sumugod kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi rebelde, terorista o pulitiko ngunit... isang ipis.

Sa video, makikitang itinaboy ni Police Capt. Sofia Loren Deliu ng Presidential Security Group ang peste mula sa balikat ng 74-anyos na head of state.

Nagbiro pa ang kontrobersyal na lider na pakawala ng oposisyon ang 'di inaasahang attacker.

"Liberal 'yan. Sigurado. Halata sa likod oh," sabi ni Duterte sa Bisaya matapos tapakan ang insekto.

Lamok, minura

Matatandaang pinagmumura naman ni Duterte ang isang lamok matapos maalibadbaran dito habang nagsasalita sa PDP-Laban campaign rally sa Marikina.

"T***inang lamok ka. Leche! Nainit ang ulo ko," sabi niya noong ika-20 ng Marso.

Nangyari ang insidente sa parehong araw ng paglabas ni Presidential Spokespersron Salvador Panelo sa panibagong matrix, kaugnay ng pagsasabwatan diumano ng Liberal Party, Magdalo, Kaliwa at iba pa para pabagsakin ang administrasyon.

COCKROACH

OUSTER MATRIX

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with