^

Bansa

Local absentee voting simula na bukas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Local absentee voting simula na bukas
Tatlong araw na isasagawa ang LAV para sa mid-term elections na sisimulan ng Abril 29 hanggang Mayo 1, 2019.
Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Simula na bukas ang local absentee voting para sa mga botante na naka-duty sa araw ng halalan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Tatlong araw na isasagawa ang LAV para sa mid-term elections na sisimulan ng Abril 29 hanggang Mayo 1, 2019.

Ito’y salig sa Comelec Resolution 10443, na nagtakda sa nasabing mga petsa para maka­boto ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, mga miyembro ng pulis at military at media practitioner na inaasahang naka-duty sa mismong araw ng halalan sa Mayo 13.

Magsisimula ang LAV alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa 3 araw na nabanggit.

Nilinaw naman ng Comelec na nakasaad din sa resolusyon na ang maaari lamang iboto ay ang mga senador at party-list organizations.

Ang mga maaring bumoto ay yung mga nakapagpasa na ng application forms para sa LAV na naisumite hanggang noong Marso 11, 2019.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, naihanda na ang mga balotang gagamitin sa LAV at ibibiyahe na lang.

Abril 13 nang sinimulan ng Comelec ang overseas absentee voting o OAV.

ABSENTEE VOTING

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with