Tubig sa Angat Dam bumaba pa sa critical level
MANILA, Philippines — Inaasahang bababa pa sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng susunod na buwan.
Sa pagtaya ni PAGASA Hydrologist Danny Flores, patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat magmula ng magsimula ang tag-init.
Kahapon ay bumaba pa ito sa 195.91 meters mula sa normal high water level (NHWL) na 212.00 meters.
Ang nasabing dam ang nagsu-supply sa 96 porsiyento ng tubig sa Metro Manila.
At dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, nakakaranas ang bansa ng madalang na pag-ulan, na nagresulta na rin sa pagbaba ng lebel ng tubig sa ilan pang mga dam kabilang ang La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
Nauna nang inanunsiyo ng PAGASA noong Biyernes na simula na ang dry season.
- Latest