^

Bansa

'Anti-palo' bill sinopla ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
'Anti-palo' bill sinopla ni Duterte
Ayon kay Digong, naniniwala siyang dapat maprotektahan mula sa pamamahiya ang mga bata ngunit 'di sang-ayon sa pagbabawal ng lahat ng uri ng pananakit bilang pagdidisiplina.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte nang walang pirma ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pananakit at pagpapahiya sa mga bata bilang parusa.

Ayon kay Digong, naniniwala siyang dapat maprotektahan mula sa pamamahiya ang mga bata ngunit 'di sang-ayon sa pagbabawal ng lahat ng uri ng pananakit bilang pagdidisiplina.

"However, I am gravely concerned that the bill goes much further than this as it would proscribe all forms of corporal punishment, humiliating or not, including those done within the confines of the family home," banggit ng pangulo sa kanyang veto statement.

Naninindigan si Duterte na pwedeng maisagawa ang pamamalo nang hindi humahantong sa pang-aabuso.

"I am of the firm conviction that responsible parents can and have administered corporal punishment in a self-restrained manner, such that the children remember it not as an act of hate or abuse, but as a loving act of discipline that desires only to uphold your welfare," dagdag ni Duterte.

Giit niya, marami na raw itong positibong naidulot sa lipunan kasama na ang pagpapalaki sa mga batang may takot sa batas.

Hindi naman daw dapat kundenahin ang lahat ng nasabing pagdidisiplina.

Nagbabala rin ang pangulo sa sobrang panghihimasok ng estado sa pribadong buhay ng mga pamilya.

"In so doing, the bill transgresses the proper bounderies of State intervention in the life of the family, the sanctity and authonomy of which is recognized by te Constitution," dagdag ng presidente.

Mga ipinagbabawal sa panukala

Tinaguriang "An Act Promoting Positive and Nonviolent Discipline, Protecting Children From Physical, Humiliating or Degrading Acts as a Form of Punishment and Appropriating Funds Therefor," ipinagbabawal ng Senate Bill No. 1477/House Bill No. 8239 ang iba't ibang masasakit na parusa sa mga bata.

Ilan sa nais nitong ipagbawal ay ang: pananabunot, pag-alog, pamimilipit, panunugat, pamamalibag, pagpapa-"squat," pagpapatayo o pagpapaupo sa 'di karaniwang posisyon, pagpapahawak ng mabigat na bagay sa mahabang panahon, pagpapaluhod sa bato o asin, kasama na rin ang pananakot, pamamahiya at pagmumura sa bata sa publiko.

Kasama sa mga nag-akda ng panukala sa Kamara ay si Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Sa ilalim nito, maaaring maghain ng reklamo sa barangay o pulisiya ang sinumang may impormarmasyon sa naturang pang-aabuso.

Maaari namang magpataw ng temporary protection orders para mga batang may "extreme cases" mula sa mga inirereklamo.

Oobligahin naman ng punong barangay na kumuha ng seminar sa positive discipline, anger management at children's rights ang mga "repeat offenders." 

Maaari naman daw dumanas ng maximum penalty sa ilalim ng mga umiiral na batas ang mga mang-aabuso alinsunod sa Revised Penal Code.

ANTI-PALO BILL

CORPORAL PUNISHMENT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with