Piling Senate bets ieendorso ni Digong

Sa mga nakaraang speeches ng Pangulo sa mga dinaluhan niyang mga events ay hayagan ang pag-eendorso niya kina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa, dating Political Presidential Adviser Francis Tolentino at singer-compo­ser na si Freddie Aguilar, dating Senador Jinggoy Estrada,

MANILA, Philippines — Piling senatorial candidate lamang ang eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng kampanya ngayong araw para sa senatorial at partylist election, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo sa media briefing sa Palasyo na mayroong sariling kandidato si Pangulong Duterte na kanyang ika­kampanya tulad ng mga naunang pahayag nito sa kanyang mga talumpati.

Sa mga nakaraang speeches ng Pangulo sa mga dinaluhan niyang mga events ay hayagan ang pag-eendorso niya kina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa, dating Political Presidential Adviser Francis Tolentino at singer-compo­ser na si Freddie Aguilar, dating Senador Jinggoy Estrada, Senador JV Ejercito, at dating Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Show comments