Lanao del Norte ayaw sa BOL; North Cotabato areas gusto
MANILA, Philippines — Buong probinsya ng Lanao del Norte ang bumoto laban sa pagsama sa anim na munisipalidad nito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Gayunpaman, 61 barangay sa pitong bayan sa North Cotabato naman ang nagbigay ng kanilang "yes" vote sa BARMM sa plebisito noong Miyerkules.
Ito ay base sa unofficial results na nakuha kahapon mula sa provincial Commission on Elections.
Ang mga barangay sa pitong munisipalidad ng North Cotabato – Midsayap, Aleosan, Pikit, Kabacan, Carmen, Tulunan at Pigcawayan – ay mga kilalang teritoryo ng Moro National Liberation Front.
Ipinakita rin ng plebisito na inayawan ng Aleosan at Tulunan na mapasama sa itatayong BARMM.
Naganap ang plebesito sa 23 sa 42 barangay sa munisipalidad ng Pikit, dahilan para mapasama ang kanilang 22 barangay sa BARMM ayon sa kanilang municipal administrator na si Maugan Mosaid.
Ang mga residente naman ng barangay Balatican sa paligid ng Pikit, bumoto ng "no." Dahil dito, mananatili ang kanilang lugar sa kontrol ng municipal government ng Pikit.
Sa kabilang banda, bumoto naman tutol sa pagpasok sa BARMM ang anim na bayan ng Lanao del Norte – Balo-i, Pantar, Tagoloan, Munai, Tangkal at Nunungan.
Umabot sa 63 porsyento ang voter turnout ayon sa Comelec. Hindi pa naman naipapasa ng Linamon ang kanilang tabulation.
Bumoto naman ng "yes" ang mga bayan ng Panato Ragat, Poona Piagpo, at Salvador.
Lumabas naman sa total partial unofficial province-wide result ang "no" vote para sa pagsama sa mga ito.
Merong 22 munisipalidad ang Lanao del Norte. Sa ilalim ng batas, kinakailangang bumoto bilang isa ang mother local government unit.
Samantala, nagdesisyon kahapon ang Comelec sa Maynila na ipagpaliban ang official canvassing ng boto para sa ikalawang round ng plebisito ng dagdag na lugar sa ilalim ng BARMM.
Iniutos ng National Plebiscite Board of Canvassers, isang seven-member poll body, ang resetting ng official canvassing sa Lunes.
In-adjourn ni Comelec chairperson Sherriff Abas ang sesyon matapos mag-reconvene dahil wala pa rin ang mga certificate of canvass.
Inaasahan namang dumating sa Maynila ang mga COC ng second round ng plebiscite sa weekend, bangit ni Comelec spokesperson James Jimenez
Sinabi ni Jimenez na tatanggapin at pangangalagaan ng reception committee ng Comelec main office sa Intramuros ang mga certificate of cavass.
Respetuhin ang mga boto
Nanawagan naman si Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. sa lahat na respetuhin ang resulta ng ikalawang plebisito.
“Whatever the results will be, I call on everyone to respect the sovereign will of the people. Let us wholeheartedly accept it and move on. The recent political exercise may have strained some relationships but we believe this is something we can mend peacefully,” sabi ni Galvez.
Sa pagtatapos ng plebisito, sinabi Galvez na mangangailangan ng swabeng transisyon mula sa kasalukuyang Autonomous region in Muslim Mindano patungong BARMM.
Siniguro naman ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na inihahanda na nila ang transisyon.
“The Bangsamoro Organic Law has been ratified. The area of coverage of the new autonomous region has been expanded,” wika ni Galvez.
Sa pagpapatuloy nito, iniutos ng provincial government ng Maguindanao sa Korte Suprema na panindigan ang constitutionality ng BOL, matapos ang malaking boto na nakuha ng ratipikasyon nito.
Sa kanyang comment-in-intervention na inihain noong Miyerkules, iniutos ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu sa high court na ibasura ang mga petisyong inihain ng Sulu provincial government at Philippine Constitutional Association para ipawalambisa ang batas na magpapalawak sa ARMM para maging Bangsamoro autonomous region.
Lumalabas na 1.25 milyong boto ang pagitan ng "yes" at "no" votes sa plebisito noong ika-21 ng Enero para sa ratipikasyon ng BOL.
“The sovereign voice of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (has) clearly spoken. Under the principle of vox populi suprema est lex (the voice of the people should be the supreme law), we implore the Honorable Court to abide by the solemn duty to uphold the clear and unmistakable mandate of the people,” sabi ng 78-page pleading ni Mangudadatu.
Nanindigan si Mangudadatu na hindi lumalabag sa Article X, Section 18 ng 1987 Constitution ang BOL.
Hindi rin daw labag sa doctrine of separation of powers sa ilalim ng Saligang Batas ang pagakaroon ng parliamentary system of government ng BOL.
“A parliamentary form of government should be viewed as consistent with the policy of local autonomy which, although encourages a closer relationship and more avenues for blending of powers between the executive and the legislative branches, does not actually sanction a complete fusion that would be tantamount to a violation of the constitutional parameters,” sabi niya.
- Latest