^

Bansa

US Navy official sibak sa pagkakasangkot sa prostitusyon sa 'Pinas

Philstar.com
US Navy official sibak sa pagkakasangkot sa prostitusyon sa 'Pinas
Sinisante si Capt. Travis Zettel, commander ng USS Bremerton, noong Agosto dahil sa "loss of confidence" ayon sa the Kitsap Sun.
US Navy/Michael Lee

MANILA, Philippines — Tinanggal sa posisyon ang isang commander ng United States Navy submarine matapos umaming kumuha ng mga prostitute habang nakadaong ang kanilang baro sa Pilipinas noong nakaraang taon, ayon sa isang ulat na inilathalata sa isang peryodiko sa Washington noong Biyernes.

Sinisante si Capt. Travis Zettel, commander ng USS Bremerton, noong Agosto 2018 dahil sa "loss of confidence" ayon sa the Kitsap Sun.

Ibinase ng pahayagan ang kanilang ulat sa mga dokumentong nakuha sa pamamagitan ng Freedom of Information Act. 

Nangyari raw ang insidente habang naka-port call ang kanilang submarine noong ika-1 ng Marso. Nakita diumano si Zettel kasama ang 10 kababaihan sa labas ng pinutan ng kanyang hotel noong kinagabihan, ayon sa isang saksi na nakapanayam ng Naval Criminal Investigative Service (NCIS) agents.

Sinabi raw ni Zettel sa saksi at isa pang mandaragat na kumuha siya ng 10 babae para pumunta sa hotel. Ayon sa pahayagan, sinabi ng isa pang sailor na nakita niyang may tatlong Pilipina na nakakapit kau Zettel habang nakikipag-usap sa iba pang hukbong-dagat sa kanyang command.

Naglunsad ng imbestigasyon ang NCIS noong Mayo at kinompronta si Zettel tungkol sa mga reklamo. Umamin naman si Zettel na binayaran niya ang mga babae.

Inilipat naman ang dating opisyal sa staff ng Naval Base ng Submarine Squadron 19 sa Kitsap Bangor, Washington ayon sa mga opisyal ng navy.

Tinawag namang "responsible state" ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang Estados Unidos matapos ilabas ang desisyon kay Zettel.

PROSTITUTION

UNITED STATES NAVY

USS BREMERTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with