^

Bansa

18 ‘hot spots’ tinukoy ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
18 ‘hot spots’ tinukoy ng PNP
Sa report ng PNP, ka­bilang dito ang Sudipen at Balaoan na pawang sa La Union sa Region 1; Jones, Isabela sa Region II; Lemery, Batangas sa Region IV A Southern Tagalog; Roxas, Oriental Mindoro sa Region IV B; Balud at Dimasalang na pawang sa Masbate sa Bicol Region; Pagadian City, Zamboanga del Sur sa Region IX; Cagayan de Oro City, Misamis Oriental sa Northern Mindanao.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines — Tinukoy na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang 18 lugar sa bansa bilang mga election hotspots kaugnay ng midterm elections sa Mayo 2019.

Sa report ng PNP, ka­bilang dito ang Sudipen at Balaoan na pawang sa La Union sa Region 1;  Jones, Isabela sa Region II; Lemery, Batangas sa Region IV A Southern Tagalog; Roxas, Oriental Mindoro sa Region IV B; Balud at Dimasalang na pawang sa Masbate sa Bicol Region; Pagadian City, Zamboanga del Sur sa Region IX; Cagayan de Oro City, Misamis Oriental sa Northern Mindanao.

Samantala lumilitaw naman na pinakamara­ming hot spots sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na kinabibilangan ng Marawi City at Sultan Dumalon­dong sa Lanao del Sur; Hadji Mohammad Ajul, Lantawan at Tipo-Tipo na pawang sa lalawigan ng Basilan; Mamasapano, Shariff Saydona Mustapha, Shariff Aguak at Datu Unsay sa Maguindanao.

Alinsunod sa kategor­ya ang isang lugar ay election hotspots kung matindi ang labanan sa pulitika sa pagitan ng mga kandidato at kung may presensya ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad gayundin ang mga Private Armed Groups (PAGS) at gun for hire ng mga mandarayang pulitiko.

Ang nasabing mga lugar ay may mga naitala ng pagdanak ng dugo na iniuugnay sa matinding labanan sa pulitika.

Sa kasalukuyan patuloy naman ang maigting na pagpapatupad ng seguridad ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.

2019 MIDTERM ELECTIONS

ELECTION HOTSPOTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with