MANILA, Philippines — Umaabot sa 21 hinihinalang drug pushers at users ang napatay habang 981 pa ang nasakote sa apat na araw na security operations upang matiyak ang mapayapang paggunita sa Undas sa bansa.
Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, mula Nob. 1-4 ay nasa 28,595 mga patalim, mga alak, 615 gambling paraphernalias, 195 karaoke ang nasamsam o umaabot sa 17, 659 katao ang lumabag sa batas.
Nasa 52 insidente naman ng nakawan ang nairekord, 28 dito ay sa mga bahay na naiwang walang tao noong Undas, 23 sa mga commercial areas at isa sa pampublikong lugar.
Nasa tatlong insidente naman ng sakuna sa lansangan ang naitala na ikinasawi ng dalawa katao habang 12 pa ang nasugatan.
“The four-day Undas holiday was generally peaceful throughout the country with no major untoward incident,” ani Albayalde.