Ethics complaint vs Bertiz inihain
MANILA, Philippines — Inireklamo na ng Migrante International sa House Ethics Committee si ACTS OFW Rep. John Bertiz dahil sa umano’y Human Trafficking.
Pinangunahan ni Armand Hernando, chairman ng Migrante Philippines at ang dating OFW na si Shirla Mabunga at kanyang ama ang paghahain ng reklamo.
Sinuportahan naman ng Makabayan bloc ang paghahain ng reklamo laban kay Bertiz.
Paliwanag ni Mabunga, ang agency ni Bertiz na Global Asia Alliance ang nagpadala sa kanya sa Saudi Arabia noong 2014.
Subalit pagdating doon ay iba ang kanyang naging amo na nambugbog pa sa kanya kaya siya ngayon ay halos paralisado na.
Naiiyak pa si Mabunga habang nagkukwento ng kanyang dinanas sa Saudi at sa kawalan umano ng tulong sa kanya ni Bertiz gayundin ng kanyang agency.
Hiniling umano niya sa kongresista na pauwiin na siya sa Pilipinas subalit sinabihan siya ng mambabatas na tapusin ang dalawang taong kontrata.
Dahil dito kaya tinawag niya si Bertiz na huwad na Representante ng OFWs sa Kamara.
Nais din naman ng Migrante na maalis si Bertiz bilang kongresista dahil hindi umano ito kumakatawan sa OFWs.
Related video:
- Latest