^

Bansa

Maayos na pangongolekta ng waste water sa Boracay titiyakin

Pilipino Star Ngayon
Maayos na pangongolekta ng waste water sa Boracay titiyakin
Base ito sa Memoran­dum Order 2018-04 noong September 18, 2018 na pinirmahan ni Department of Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na pinakabagong guidelines sa pag-install o pagtatayo ng mga Se-wage Treatment Plants (STPs) sa nasabing Isla.

MANILA, Philippines — Maaari nang kumo-nekta ang mga hotel at resort sa concessionaire tulad ng Boracay Island Water Company, na inatasan na kolektahin ang waste water ng mga naturang establisimyento sa Boracay Island.

Base ito sa Memoran­dum Order 2018-04 noong September 18, 2018 na pinirmahan ni Department of Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na pinakabagong guidelines sa pag-install o pagtatayo ng mga Se-wage Treatment Plants (STPs) sa nasabing Isla.

Sa nabanggit na memo, inuutusan ang  conces­sionaires na mag-isyu ng mga sertipikasyon sa kani-kanilang mga kostumer na nagpapatunay na nakakonekta sa sewer line o may sariling STP’s. Ang sertipikasyon ay isang reuirement para makapag-operate ang isang hotel o establisimyento.

“As part of this directive, the Concessionaires are also asked to provide DENR with data on water billed volume and volume of waste water received for treatment for monitoring and planning purposes” nakapaloob pa sa Memorandum.

Ang kautusan ng DENR ay mahigpit na ipapatupad sa lahat ng mga hotel o kahalintulad na establisyemento na nakatayo sa kahabaan ng White / Long beachfront na may 40 na kuwarto o higit pa na  magtayo ng kanilang sariling mga STP’s na may kakayahang gamutin ang kanilang mga waste water bago sumapit ang Oktubre 28, 2018.

Sinumang Hotel na hindi makatupad sa naturang kautusan ay hindi papayagang makapag-operate hanggang hindi sila nakakapgtayo ng sariling STP’s.

Samantala sa mga hotels naman na nasa labas ng White Long Beachfront na mayroon 50 rooms at inatasan din na magtayo ng sarili nilang STP’s bago sumapit naman ang November 30, 2018 at ikonekta sa sewer line.

“The EMB will issued provisional Environmental Compliance Certificates (ECCs) by EMB and may be allowed to operate upon the re-opening of the Boracay Island provided that the establishment of their STPs has commenced as of October 26, 2018.” Nakasaad pa sa kautusan.

Sakaling hindi naman maka-comply ang mga establishment sa kanilang STP’s hanggang sa November 30, 2018 ay pahihintuin ang kanilang operasyon ng kanilang mga negosyo.

BORACAY ISLAND WATER COMPANY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with