Boracay resort owners kinasuhan ng NBI

Kabilang sa sinampahan ng mga reklamo ang mga may-ari at stockholders ng Boracay Island West Cove Ma­nagement Philippines Inc., Correos Internacionale Inc., Seven Seas Boracay Properties Inc. at Boracay Tanawin Properties.

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines, Philippine Fisheries Code, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Local Government Code ng NBI Environmental Crime Division sa DOJ ang ilang Boracay resort owners at mga lokal na opisyal sa Malay, Aklan dahil sa mga paglabag sa environmental laws.

Kabilang sa sinampahan ng mga reklamo ang mga may-ari at stockholders ng Boracay Island West Cove Ma­nagement Philippines Inc., Correos Internacionale Inc., Seven Seas Boracay Properties Inc. at Boracay Tanawin Properties.

Nalaman sa NBI, patuloy na nag-ooperate sa isang no build zone ang mga resort kahit walang lisensya at permit at kahit may kautusang isara ang mga ito.

Kasama rin sa asunto sina incumbent Mayor Ceciron Cawalig, dating Malay Mayor John Yap, at iba pang mga opisyal

Magugunita na iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang pagbuo ng Task Force Boracay na mag-iimbestiga laban sa mga lumabag sa environmental laws na nagdulot ng kontaminasyon sa isla kaya ito ipinasara.

Show comments