Drug testing sa kabataan, maaaring maging sanhi ng katiwalian – Kiko
MANILA, Philippines – Hindi nagustuhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magpatupad ng “mandatory drug testing” para sa mag-aaral mula sa ikaapat hangang ika-12 baitang sapagkat ito raw ay maaring maging sanhi ng katiwalian.
Sinabi ni Pangilinan na ang panukala ay maaring umabot sa paggastos ng mahigit kumulang na P2.8 bilyon at maaring pagkakitaan ng kung sinu-sino.
Mula ikaapat hanggang ika-12 baitang, mayroong populasyon ng halos 14 bilyong mag-aaral na may iba pang pangangailangan. Kaya naman ayon kay Pangilinan, imbis na maging sanhi ng katiwalian, ang puhunan para sa panukalang ito ay mas magandang gamitin nalamang sa pagpapaganda ng paaralan, pambili ng libro, pakain sa mga bata at ibigay sa mga guro.
Bukod pa rito, ang pagpapalabas ng panukalang ito ay nagsasaad na ang brutal na laban ni Pangulong Duterte kontra droga ay hindi epektibo.
Ayon sa Department of Education malalabag ng panukalang ito ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pakiusap ni Pangilinan sa PDEA na “shelve this slapdash and panicky plan trained on little children, and instead go after the big drug lords to stop the flow of illegal drugs.”
- Latest