^

Bansa

Attorney’s fee kay Sereno sa Piatco case iligal - CA

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Attorney’s fee kay Sereno sa Piatco case iligal - CA
Isa ang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na noon ay Professor-on leave sa University of the Philippines College of Law sa mga tumulong sa OSG bilang legal researcher sa nasabing arbitration case na nilitis sa International Chamber of Commerce (ICC) sa Singapore.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Idineklara ng Court of Appeals (CA) na iligal ang attorney’s fees na ibinayad ng gobyerno sa mga abugado na tumulong para maipanalo ng Pilipinas ang arbitration case na inihain ng Philippine International Air Terminals Company Inc. (PIATCO) kaugnay sa pagtatayo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Isa ang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na noon ay Professor-on leave sa University of the Philippines College of Law sa mga tumulong sa OSG bilang legal researcher sa nasabing arbitration case na nilitis sa International Chamber of Commerce (ICC) sa Singapore.

Base sa rekord ng CA, ang reasonable cost na inaprubahan ng ICC para kay Sereno ay US 275-thousand dollars na katumbas ng mahigit P13 million.

Matatandaan na ini­utos ng ICC sa PIATCO na bayaran ang anim na milyong dolyar na halaga ng arbitration at kasama na rito ang bayarin para sa attorney’s fees ng mga abugado na tumulong sa gobyerno ng Pilipinas para maipanalo ang kaso.

Ang nasabing halaga kasama na ang attorney’s fees ni Sereno ay una nang nabayaran ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Pero sa desisyon ng CA Special 11th Division na isinulat ni Associate Justice Ramon Bato, iligal ang pagbabayad ng gob­yerno ng attorney’s fees dahil ang pagkuha kina Sereno, dating SC Justice Florentino Feliciano at iba pang abugado para tumulong sa arbitration case ay hindi dumaan sa public bidding o hindi nakatalima sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Dagdag pa ng CA, hindi appropriated o hindi kasama sa General Appropriations Act ang ibinayad na halaga kina Sereno.

Una na ring nagpalabas ang Commission on Audit (COA) ng notice of dis­-allowance sa ibinayad na attorney’s fees kina Sereno.

COURT OF APPEALS

JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with