^

Bansa

Poll winners ipoproklama ngayon

Gemma Garcia, Mayen Jaymalin - Pilipino Star Ngayon
Poll winners ipoproklama ngayon
Ito ang nabatid kahapon sa Commission on Elections na nagsabing mil­yun-milyong rehistradong botante ang inaasa­hang dadagsa sa iba’t-ibang presinto sa bansa para bumoto pagkaraan ng dalawang ulit na pagpapaliban sa halalan sa mga magi­ging bagong opisyal ng barangay at sangguniang kabataan.
Miguel de Guzman

AFP, PNP handa na sa seguridad ng Bgy. at SK election

MANILA, Philippines — Bago matapos ang araw na ito, malalaman na at malamang maproklama ang karamihan ng mga nanalo sa halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong Lunes.

Ito ang nabatid kahapon sa Commission on Elections na nagsabing mil­yun-milyong rehistradong botante ang inaasa­hang dadagsa sa iba’t-ibang presinto sa bansa para bumoto pagkaraan ng dalawang ulit na pagpapaliban sa halalan sa mga magi­ging bagong opisyal ng barangay at sangguniang kabataan.

“Pagkatapos ng dala­wang postponement, mabibigyan na sawa­­kas ng pagkakataon ang bansa na pumili ng mga lider ng barangay sa pamamagitan ng demokratikong halalan,” sabi ni Comelec spokesman James Jimenez.

Sinabi pa ni Jimenez na may kabuuang 57,376,232 rehistradong botante sa halalan sa barangay at 20,626,329 kabataang botante para sa halalan sa Sangguniang Kabataan na kuwalipikadong bumoto mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa datos ng Comelec, mayroong 1,178,300 indibidwal na nagsampa ng kanilang Certificates of Candidacy para sa eleksyon ngayon. Sa bilang na ito, 89,889 ang tumatakbong barangay chairman habang 654,608 ang sa barangay kagawad. Para sa SK Chairman, 85,916 ang naghain ng COC at 347,887 ang sa SK kagawad.

Sinabi pa ni Jimenez na inaasahan ng Comelec na mayorya ng mga mananalo sa eleksyon ay mapoproklama na pagsapit ng hatinggabi.

Samantala, ipinaha­yag kahapon ng Armed Forces of the Philippines na walang anumang banta sa seguridad ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong araw na namo-monitor ng AFP.

Sa inilabas na pahayag ng AFP, wala silang namo- monitor na anumang seryosong banta kaugnay sa gaganaping eleksyon ngayong araw na ito.

Sa kabila nito, naglatag pa rin ng contingency measures ang AFP at nagtalaga ng hindi mabilang na mga sundalo sa mga lugar kung saan inilagay ng Commission on Elections  na hot spots.

Nakasaad pa sa pahayag ng AFP na bago ang eleksyon ay nagsagawa na sila ng focused combat, intelligence at civil military operations para masiguro na ang private armies, local terrorists at mga komunis­tang rebelde ay hindi mananamantala para pigilan ang eleksyon.

Samantala, sinabi naman ni interior and local government undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na nag-deploy ang Philippine National Police ng 80 porsiyento ng 190,000 strong force para masiguro ang kapa­yapaan ng eleksyon nga­yong araw.

Tiniyak din ni Dino sa publiko na lahat ng law enforcement agencies na naka alerto sila ngayong araw.

Simula kahapon ay nakapagtala na umano sila ng 25 election related deaths.

Bukod pa rito, nakakatanggap din sila ng ulat ng harrasment ng ilang local officials.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with