MANILA, Philippines — Siyam na araw bago ang pagdaros ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections 2018, hinikayat ng Department of Interior and Local Government ang Commission on Elections na palakasin na ang pagsasanay sa mga pampublikong guro para magsilbing Board of Election Inspectors (BEI’s) sa manual voting.
Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesman Jonathan Malaya, kailangang magkaroon ng oryentasyon ang mga guro sa patakaran sa eleksyon at pagbibilang ng mga boto dahil hindi ito automated elections tulad noong 2016.