^

Bansa

Metered taxi puwede nang i-rate ng pasahero- LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puwede  na ngayong  i-rate ng mga pasahero ang sinasakyang taxi na may metro na gumagamit ng  applications ng mga bagong Transport Network Companies (TNCs).

Ito’y ayon kay Atty. Aileen Lizada, boardmember ng  Land Transportation Franchising and  Regulatory Board (LTFRB) ay makaraang i-require na rin ng ahensiya na sumailalim din sa APP ang mga metered taxi para sa kapakanan ng mga pasahero nito.

Sinabi ni Lizada na maaari nilang  i-blacklist ang taxi operators at  taxi drivers na may mababang rating. Makikita din dito kung sino sa taxi operators o drivers ang mapa­patawan ng penalty oras na lumabag sa LTFRB rules and regulations.

Ani Lizada, ang mga metered taxi  na may prangkisa ay sasailalim sa  mga bagong TNCs na Hirna, Hype at Micab. Ang TNVS naman na GRab, Owto at Golag ang APPS na gagamitin ng mga private cars na nagsasakay ng pasahero kaakibat ang dalang provisional authority mula sa LTFRB.

Umaasa ang LTFRB na sa pamamagitan ng ibat -ibang TNVS ay magkakaroon na ng patas na kumpetisyon at mapapagkalooban ng mas magandang serbisyo ang mga mananakay sa bansa partikular sa Metro Manila.  

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

TRANSPORT NETWORK COMPANIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with