P600 minimum wage isinulong
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang panukalang nagtataas sa P600 sa minimum wage ng lahat ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Ito ay dahil naniniwala si Salo na makakatulong ito para maging pantay-pantay ang pagkakaiba sa sahod ng mga nasa private sectors sa buong bansa.
Paliwanag ng kongresista, maaaring ikunsidera ng mga minimum wage earners sa labas ng Metro Manila na magtrabaho na lamang sa kanilang mga lugar at hindi na luluwas sa NCR dahil pantay na lamang ang sahod na kanilang matatanggap.
Bukod dito makakatulong din ito sa pagbaba ng populasyon ng mga empleyado sa metropolis at matinding traffic.
- Latest