^

Bansa

NAIA janitor nagsoli ng pera ng OFW

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ng isang OFW ang isang NAIA Terminal 1 janitor ng ibalik nito ang isang pitaka na naglalaman ng salapi matapos itong makita ng huli na nahulog sa banyo.

Sinulatan ni Gil Wee ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), para pasalamatan lamang si Andrew Visca, airport cleaner.

Gayunman, hiniling ni Wee kay MIAA general ma­nager Ed Monreal na bigyan ng komendasyon si Visca sa pagsasauli ng kanyang pitaka matapos itong mahulog sa banyo ng umihi siya rito.

‘P4,000 lang ang laman ng pitaka ko pero malaking bagay ang ginawa ni Visca ng isauli niya ito sa akin,” sabi ni Wee.

Ayon kay Wee, naniniwala siyang maraming ‘honest employees” sa NAIA hanggang ngayon.

Matatandaang kinansela ni Monreal ang kontrata ng MIASCOR at tinapos na rin sa Clark International Airport ang serbisyo nito matapos tirahin ng ilang kawani nila ang bagahe ng mag-asawang OFW na galing Canada.

Mismong si Pangulong Duterte ang personal na humingi ng paumanhin sa biktima ng nakawan sa Clark Airport.

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with