^

Bansa

Poe nanguna sa senatorial survey

Pilipino Star Ngayon
Poe nanguna sa senatorial survey

MANILA, Philippines — Halos isang taon pa bago ang 2019 midterm polls, ngunit naglabas na ang Pulse Asia ng senatorial survey kung saan nanguna ang re-electionist Sen. Grace Poe.

Nakakuha ng 70.8 percent si Poe na tumakbo rin sa pagkapangulo nitong 2016 national elections.

Kasunod naman sa listahan si Cynthia Villar na may 55.6 percent, habang ang dating senador at ngayo’y Taguig City Rep. Pia Cayetano na may 53.8 percent at pang-apat naman si Sen. Nancy Binay sa 45.8 percent.

Pasok din sina Sen. Sonny Angara na may 44.9 percent, Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na may 43.8 percent at Senate President Koko Pimentel sa 39.8 percent.

Kumumpleto sa “magic 12” sina Sen. Sergio Osmeña III (38 percent), broadcaster Erwin Tulfo (36.7 percent), dating Sen. Lito Lapid (33.8 percent), dating PNP chief Ronald "Bato" dela Rosa (33.1 percent) at dating Sen. Jinggoy Estrada (32.2 percent.)

Hindi naman nalalayo sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (32.2 percent), Sen. Bam Aquino (30.5 percent) at Sen. JV Ejercito (29 percent) nasa nasa 13th to 15th sa survey.

Sinabi ng Pulse Asia na 15 sa 58 posibleng tumakbo sa senado ang may statistical chance na manalo.

2019 MIDTERM ELECTIONS

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with