^

Bansa

Tiwala ng publiko naibalik ko- Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni outgoing Philippine National Police Chief P/ Director General Ronald “Bato” dela Rosa na kung mayroon man siyang pamana na maiiwan bago siya  umalis sa kanyang puwesto ay ang pagbabalik ng tiwala ng publiko sa kanilang organisasyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni dela Rosa na naniniwala siyang napalapit niya ang mga pulis sa ordinaryong tao.

Aniya, nawala na ang “gap” ng mga otoridad sa publiko dahil nawawala na ang kanilang pag-aalinlangan na magpasaklolo.

Patunay dito ay ang kaliwa’t kanang pagpapa-selfie sa kanya ng mga tao.

Ipinaliwanag pa ng heneral na kung sa kanya ay panatag ang loob  ng mga tao ay mas higit  na nakakalapit na rin ang mga  ito sa mabababang ranggo o mga bagitong pulis na may ranggong mga PO1’s.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with