^

Bansa

De Castro sa unang araw ni Sereno bilang chief justice: Hindi kita mapapatawad

Pilipino Star Ngayon
De Castro sa unang araw ni Sereno bilang chief justice: Hindi kita mapapatawad

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ngayong Lunes ang naging pagsalubong sa kaniya ni Associate Justice Teresita de Castro sa kaniyang unang araw sa pamumuno sa mataas na hukuman noong 2012.

Sinabi ni Sereno na hindi naging maganda ang pakikitungo sa kaniya ni de Castro na nakasama niya sa pinagpilian ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

“I will never forgive you for accepting the chief justice-ship,” wika umano ni de Castro kay Sereno.

BASAHIN: Sereno kailangan nang mawala sa Korte Suprema – Duterte

Kabilang sina Sereno at de Castro sa limang hukom na pinagpilian noon ni Aquino para ipalit sa napatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona.

Gumawa rin ng kasaysayan si Sereno bilang kauna-unahang babaeng punong mahistrado na maaari rin sanang nagawa ni de Castro kung siya ang napili.

Mas bata si Sereno sa edad na 52 nang subukang maging punong mahistrado kaya naman tinatayang may 18 taon siya upang hawakan ang Korte Suprema bago maabot ang mandatory retirement age na 70.

“You should not even filed in the first place,” patuloy umano ni de Castro kay Sereno.

Dahil dito ay nais ni Sereno na mag-inhibit si de Castro sa pagdinig ng mataas na hukuman sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

“Ganyan nga po ang nangyari, Alam kong masama ang loob ng iba sakin. Hindi ko po ininda,” patuloy ni Sereno.

Nais ipawalang-bisa ni Calida ang pagkakatalaga ni Sereno, habang bukod dito ay nahaharap pa sa impeachment complaint ang punong mahistrado sa Kongreso.

Kanina lamang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang mawala sa Korte Suprema si Sereno.

 

IMPEACHMENT COMPLAINT

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with