Juan Ponce Enrile prosecutor sa Sereno impeachment
MANILA, Philippines — Makakasama si dating Senator Juan Ponce Enrile sa magiging private prosecutors sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Justice Committee chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, bukod kay Enrile, marami rin nag-boluntaryo na dating mga abogado sa kabilang panig noong Corona impeachment ang makakasama nila bilang mga private prosecutors.
Sinabi pa ni Umali na kinausap nila si Enrile at sinabing available siya para tumulong sa prosecution team habang posible rin maging kasama sa impeachment team ang mga dati nilang kasama na sina Atty. Biboy Malaya at si Atty. Salvador na dating nasa defense team.
Ibig sabihin umano nito, ang mga dating pro at anti-Corona ay magsasama-sama sa Sereno impeachment.
Inaasahan din na magiging adviser si Enrile lalo umano at naging presiding judge siya noong Senate impeachment court at alam niya ang isyu lalo na sa SALN at magbibigay ito ng malaking tulong sa prosecution team.
Giit pa ni Umali na, ang magiging guidelines at criteria na susundin nila sa pagkuha ng prosecutor ay kailangang abogado bagamat halos 40 din ang abogado nila sa Kamara, maraming personalidad pa rin ang magiging bahagi ng prosecution team.
Pangalawang criteria ay dapat mayroong litigation experience lalo na sa impeachment para hindi umano sila minamaliit dahil sila ay mga congressman lamang.
- Latest